Wednesday, July 16, 2008

SA DILIM

Nandoon ako

Naroon ka rin

mga aninong tahimik

ngunit, parang nangungusap

liwanag lang ng buwan

@ ang dagat

ang

ang tanging saksi

Ang mga puno, ay parang mga manonood

may mga matang

nakadungaw sa bukas na bintana

may mga isip

nag-uumapaw sa lihim

@ sa pag-ihip ng hangin

ay sabayan ang pagbigkas

ng samut-saring kuwento

sa mga naganap,

nagaganap

@ magaganap pa,

sa kapaligirang tahimik.

Doon ako nawala,

@ muling nagbalik.

Naubos,

@ muling pinunan.

Doon ko natagpuan ang bulalakaw

na sumandaliang lumipad

@ sumabog na parang bahag-hari

@ nang makaraos ang bagong taon,

ibinalak kong humimlay

ng panandalian.

Ngunit ika'y biglang tumayo

@ naunang lumisan.

Doon mo ako iniwan, kung saan

ang dilim

ay nag-aagaw buhay

sa bukang-liwayway...

*** an attempt @ free verse in Filipino... errr, had to research the words for the right spelling... hmmm, words are words... sometimes i feel that it's ok not too focus too much on spelling, ciang bigkas, ciang bai-bai...

2008-JULY-16

No comments: